^

Probinsiya

Milagrosong tubig, dinarayo ng mga deboto

-

Ilang araw bago ang Semana Santa, pinagka­ka­guluhan ngayon ng mga deboto ang milagrosong tubig na dumadaloy mula sa puno ng kawayan na pinaniniwalaang nakaga­galing ng karamdaman sa mga taga-Barangay Ba­can sa bayan ng Tubu­ngan, Iloilo, ayon sa ulat kahapon.

Base sa ulat na naka­rating sa Camp Crame,  ang mga kawayan na nasa lupang pag-aari ni Tubu­ngan Vice Mayor Job Aranda ay nauna nang pinaputol sa hindi mala­mang dahilan.

Ayon sa katiwala ni Aranda na si Maternidad Tacdoro, ilang residente ang nakatuklas sa mila­grosong tubig mula sa kawayan kaya pinagkagu­luhan ng mga deboto at dahil dito ay agad na­mang pinabakuran ni Vice Mayor  Aranda ang paligid upang maiwasan ang dis­grasya.

Napag-alaman pa na simula nang matuklasan ang tubig na nakakapag­pagaling ng sakit ay araw-araw na itong dinarayo hindi lamang ng mga re­sidente kundi maging ng mga turista.

Sinabi pa ni Tacdoro na halos hindi na normal ang kanilang pang-araw-araw na buhay dahil halos hindi na sila makakain sa isang araw bunga na rin ng pagiging abala sa pag-aasikaso sa mga taong nagnanais makakuha ng milagrosong tubig. (Joy Cantos )

ARANDA

BARANGAY BA

CAMP CRAME

JOY CANTOS

MATERNIDAD TACDORO

SEMANA SANTA

SHY

TUBU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with