Kalihim ng NPA, tiklo

BULACAN – Rehas na bakal ang binagsa­kan ng isang mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army ma­ka­raang arestuhin ng mga tauhan ng pulisya at mili­tar sa pinagku­kutaan nito sa bayan ng San Mi­guel, Bulacan noong Linggo ng hapon.

Kini­lala ni P/Senior Supt. Allen Ban­tolo, Bulacan police director, ang sus­pek na si Evan­geline Manabat y Ri­quero, 33, kalihim ng Communist Party of the Philippines-New Peo­ples Army (CPP-NPA) Front 1 na naka­base sa sila­ngang Bulacan.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa kasong murder at frustrated murder, ang nada­kip na si Manabat ay miyembro rin ng exe­cutive committee ng Bulacan Provincial Party Committee ng CPP-NPA. (Dino Balabo)

Show comments