9 tiklo sa pekeng DVDs
CAVITE – Siyam-katao kabilang na ang walong Tsino na pinaniniwalaang gumagawa ng mga pekeng DVDs ang iniulat na dinakma ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang operasyon sa panulukan ng Barangay Maguyam at Bancal sa Carmona, Cavite kamakalawa. Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Eduardo Tantuangco ng Bacoor Regional Trial Court Branch 89, inaresto at kinasuhan ang mga suspek na sina Peter Ni, Wisson King, John Yang, Leeyfe Lau, Li Mao, Ming Wang, Andy Shang, Sandy Lu at si Alex Ramos. Ayon sa ulat, sinalakay ng NBI ang Mountview 2 Industrial Complex at nasamsam, ang ilang reflicatiing machine na pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng mga pekeng DVDs, VCDs at CDs. (Cristina Timbang)
- Latest
- Trending