2 pulis na nameke ng blotter, sinibak
CAMP CRAME – Tuluyang sinibak kahapon ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr. ang dalawang pulis sa Cabanatuan City na nasangkot sa cover-up makaraang mameke ng police blotter sa kasong homicide-robbery case ng most wanted na kriminal na si Jose “Bong” Panlilio.
Kinilala ang pinatalsik sa rooster ng PNP na sina Inspector Romeo Gabriel at SPO4 Julio Menor ng Cabanatuan City PNP kaugnay ng falsification of public documents sa homicide-robbery case ni Panlilio.
Si Panlilio ang itinuturing na most wanted kriminal sa bansa na may patong na P5 milyon kaugnay ng robbery homicide case na nakasampa sa Office ng Provincial Prosecutor ng Laguna.
“We will not tolerate any member of the PNP who takes part in the concealment of truth that is tantamount to obstruction of justice,” mariing tinuran ni Razon.
Sinabi ni Razon na sina Gabriel at Menor ay napatunayang guilty sa kasong grave misconduct na lumitaw sa isinagawang imbestigasyon ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (PNP-DIDM).
Nabatid na sina Gabriel at Menor ay isinailalim sa imbestigasyon matapos na ireklamo ni Atty. Carmencita de Castro, ina ng mga biktimang sina Albert Gutierrez at Arnel Real na napatay ni Panlilio matapos nakawan ang mga biktima noong Hulyo 15, 2003 sa
Ayon kay PNP Spokesman P/Senior Supt. Nicanor Bartolome, pineke nina Gabriel at Menor ang police blotter at sertipikasyon na ginamit na alibi sa depensa ni Panlilio sa kaniyang kaso.
Sa halip ay pinalitaw ng dalawang pulis na namatay sa vehicular accident ang dalawang biktima noong Hulyo 14,
Maliban dito ay walang lagda ang nasabing police blotter ng dalawang pulis na guilty sa kanilang ginawang kapalpakan.
Sinabi ni Razon na ang ginawa ng dalawang opisyal ay nakaapekto hindi lamang sa himpilang kanilang kinabibilangan kundi sa buong organisasyon ng pulisya. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending