^

Probinsiya

Mga batang nawawala sa Batangas at Quezon: ‘Kwentong kutsero lang’ – PNP

-

CAMP MIGUEL MAL­VAR, Batangas – Mariing pinabulaanan ng Batangas PNP ang mga kumakalat na text messages nitong naka­lipas na araw tungkol sa mga ulat na may mga batang na­wawala at kala­una’y natatag­puan walang lamang loob at mga mata sa Batangas at Quezon

Ayon kay P/Senior Supt. David Quimio, Batangas police director, pawang mga kwentong kutsero o haka-haka lamang ang mga text messages na naghasik ng takot sa buong probinsya.

Sa panayam kay Col. Qui­mio, ilang text messages na pinatulan ng ilang  national  tabloid  (hin­di PSNGAYON) na may isang grupo ang gu­magala sa mga barangay at na­ngunguha ng mga bata bago tinatanggalan ng mga internal organs at ipinag­bibili sa ibang bansa kapalit ang malaking halaga.

Kumalat ang balita na mayroong 15 hanggang 30 ka­bataan ang napabalitang dinukot ng sindikato na iki­nabahala ng mga magu­lang at mga residente ng buong lalawigan.

“Sa dami ng batang na­wawalang ‘yon dapat napuno na ang mga pre­sinto para mag-report ang mga magu­lang, ‘e wala namang kaming natatang­gap na reklamo maliban lang sa dalawang bata sa bayan ng Ibaan na wala namang kaugnayan sa kaso ng nawawalang internal organs,” pahayag ni Col. Quimio

Kinilala ni Quimio ang da­lawang bata na sina Patricia Patena, 5; at Fa­tima Boceta, 6, kapwa na­wala habang bumibili ng kendi sa kalapit na tindahan noong February 19.

“Hindi natin pwedeng iugnay ang dalawang ba­tang nawawala dahil hindi naman sila yung binabang­git sa mga text messages na tinang­galan ng mata, kidney at puso at tsaka iniwan sa gilid ng kalsada na may naka-singit na P5,000 sa katawan nang matagpuan,” pagtutu­wid ni Quimio

Niliwanag din ni Col. Quimio na wala pang plate number na iniisyu ang Land Transportation Office (LTO) na VMM-507 na nakalagay sa ginagamit na kulay pu­ting van ng sindikato.

Nananawagan si Col. Quimio sa ibang kasa­mahan sa media na be­ripikahin munang mabuti ang mga impormasyon bago ilabas sa mga pa­hayagan ang balita para hindi makalikha ng takot sa mga mamamayan. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BATANGAS

DAVID QUIMIO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

QUIMIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with