P70-M pondo ng FCS naubos

SUBIC BAY FREE­PORT  — Nalalagay sa ba­lag ng alanganing masibak at kasuhan ang ilang opis­yal na mapapatuna­yang sangkot sa maano­malyang mga transak­syon kaya nau­bos ang pondo ng Freeport Service Corp. sa nagbibi­gay ng serbisyo sa Subic bay Metropolitan Authority.

Ito ang pahayag ni Antonio Rex Chan, bagong ta­la­gang presidente ng FSC noong Lunes matapos ipa­hayag ang voluntary retirement program na isina­gawa ng management na isa sa mga paraan upang maisalba ang naghihi­ngalong kom­panya.

“Kasalukuyan kaming nangangalap ng ebidensiya at naghahandang mag­sam­pa ng kaukulang kaso laban sa ilang opisyal at kawani ng FSC,” pahayag ni Chan.

Katuwang ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) at ang Cri­minal Investigation and De­tec­tion Group (CIDG) sa isi­nasagawang mala­wa­kang imbestigasyon, ayon pa kay Chan.

Kabilang sa mga ope­rasyon ng FSC ay magbi­gay ng manpower services sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at mga  business locators bukod sa pagma-manage ng ilang tourism facilities gaya ng housing at beaches maging ang operasyon ng dala­wang gas stations sa loob ng Subic Freeport.

Sinabi ni Chan, na da­ting kumikita ang operas­yon ng FSC subalit sa kasa­lukuyan ay nahaharap sa pagkalugi at kaila­ ngang matugunan ang mga pinan­syal na obli­gas­yon na umaabot sa P70 milyon. (Alex Galang)

Show comments