^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

‘Shabu queen’ nadakma

ILOILO CITY — Kalaboso ang binagsakan ng isang drug pusher na pinaniniwalaang notoryus sa tawag na “shabu queen” makaraang masakote ng pulisya sa isinagawang entrapment operation sa bilyaran sa Zamora Extension, Iloilo City noong Biyernes ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Maria Victoria Lopez-Arroyo na nakumpiskahan ng 2-plastic sachets na naglalaman ng methamphetamine hydro­chloride (shabu). Inaresto din ang asawa nitong si Gra­ciano matapos makialam at hadlangan ang mga awtoridad sa pag-aresto kay Arroyo. Ayon kay P/Chief Supt. Isagani Cuervas, police regional director, nagpanggap na college student ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement at ang Regional Special Operations Group para maaresto ang suspek sa nasabing lugar na malapit sa kanyang bahay. Nakatakas naman ang drug courier ni Arroyo na kilala lamang sa alyas na “Faith”. Ayon sa isang operative ng PDEA na tumangging magpakilala sa takot na balikan, si Arroyo ay kabilang sa mga  suspected drug personalities sa nasabing lungsod. (Ronilo Pamonag)

7 puganteng preso sumuko

CAMP CRAME — Pito sa walong presong pumuga sa Cebu Provincial Police Office detention cell noong nakaraang linggo ang sumuko sa mga awtoridad kamakalawa. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kabilang sa mga sumuko ay sina Joseph Reville, 29;  Anselmo Saz Jr., Johnrel Aguan­ta, 35; Anecito Angtiampo, 38; Jestoni Cantal, 21; Iri­deo Car­lo, 31; at isang 17-anyos na preso. Samantala, tugis pa rin ng pulisya ang pinuno ng jailbreak na si Junie Cabosas. Base sa naunang ulat, ang mga preso ay pansamantalang ini­lagak ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division sa de­tention cell ng Provincial Intelligence Branch mula sa kanilang ku­lungan sa San Fernando Police station dahil may court hearing. Gayunman, sa hindi inaasahang pagkakataon, nagka­roon ng diprensya ang padlock ng detention cell kaya ma­daling nawasak ng mga preso. (Danilo Garcia)

Lider ng KFR nasakote

BATAAN — Nagwakas ang modus operandi ng isang Bum­bay na pinaniniwalaang lider ng kidnap-for-ransom gang ma­karaang masakote ng pulisya sa Barangay Manresa, Quezon City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Darshan Sandhu/Gurdashan Singh, alyas Tony. Ayon kay P/Senior Supt. Manuel Gaerlan, dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Manuel Tan ng Bataan Regional Trial Court-Branch-11. Si Sandhu ang itinuturong utak ng kanyang mga kasamang sina Bootah Singh, Gurmeet Singh at Sukhdev Raj na naunang inaresto ng pulisya sa Orani, Bataan. Ang mga suspek ay naaresto matapos na lumutang ang mga naging biktimang trader na sina Jass Kaur, Makhan Singh, Gurmolak Singh, Raghbir Chand at Gurmeet Singh na pawang kinidnap ng grupo at naipatubos sa halagang P6 milyon. Napag-alamang aabot na sa 80 Bumbay  na pina­nini­walaang nagbigay ng P9 milyon kada isa ang naging biktima ng nasabing grupo. (Jonie Capalaran)

ANECITO ANGTIAMPO

AYON

GURMEET SINGH

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with