Kagawad, tanod nilikida sa Cavite

CAVITE – Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang magkaibigang barangay kagawad at barangay tanod makaraang pagbabarilin habang sakay ng owner-type jeep sa panibagong karahasan na naganap sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng gabi.

Pitong bala ng baril ang tumapos sa buhay nina Joel Serwelas, kagawad ng Barangay Old Bulihan at ang tanod na tumatayong bodyguard na si Alejandro De Vera Singh.

Sa imbestigasyon ni PO3 Diogenes Zonio, tinabihan ng motorsiklong sakay ng killer ang sasakyan ng dalawa saka isinagawa ang pamamaslang.

May teorya ang pu­lisya na pulitika ang motibo ng krimen at posibleng nada­may lamang ang bodyguard na tanod. (Arnell Ozaeta)

Show comments