Itinaas na sa red alert status ang pulisya sa mga minahan ng ginto sa Compostella Valley upang mapigilan ang posible pang pagsalakay ng mga rebeldeng New People’s Army.
Ito’y matapos lusubin ng NPA ang JB Management and Mining Corporation sa Monkayo, Compostella Valley na ikinasawi ng dalawang body guard ni Monkayo Mayor Manuel Brillantes Jr.
Ayon sa Police Regional Office (PRO) 11, naglatag na ng checkpoints at chokepoints ang pulisya sa mga bayan ng Montevista at Nabunturan habang ang mga elemento ng Compostela Valley Provincial Police Office Intelligence at 1102nd Mobile Group ay umalerto na rin.
Maging ang mga sundalo ng militar sa bahagi ng Compostella Valley ay nakaalerto na rin laban sa atake ng NPA. (Joy Cantos)