^

Probinsiya

P100M ari-arian naabo

-

ISABEL, Leyte – Tina­tayang aabot sa P100 mil­yong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masu­nog ang lumang palengke sa kahabaan ng Rojas at Que­zon Street sa bayan ng Isa­bel, Leyte noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Isabel fire ope­ration chief at investigator na si Senior Fire Officer I Cos­melito Tante, nagsi­mula ang apoy sa tindahan ng dried fish na pag-aari ni Rachel Be­laro kung saan nagdikit ang dalawang talop na linya ng kuryente kaya nagsimula ang apoy.

Dahil sa kalumaan ng materyales ay kaagad na kumalat ang apoy sa mga tindahan ng damit at groceries section sa Quezon Street hanggang sa maabo ang may 136 tindahan bago na­ideklarang under control ang sunog bandang alas-2:30 ng madaling-araw matapos rumesponde ang mga ta­uhan ng pamatay-sunog mula sa Ormoc City, Merida, Palompo at Villaba, Leyte.

Wala naman iniulat na nasugatan o nasawi at wa­lang iniulat na nakawan ha­bang nasusunog ang paleng­ke, ayon kay SPO3 Virgilio Sanico.

May posibilidad na si­nunog ang lumang pa­leng­ke para palitan ng shopping mall. (Roberto C. Dejon)

LEYTE

PLACE

QUEZON STREET

RACHEL BE

ROBERTO C

SENIOR FIRE OFFICER I COS

SHY

VIRGILIO SANICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with