P1-M pabuya sa ex-NPA
CEBU CITY – Tumataginting na P1-milyong pabuya ang ipinagkaloob ng Department of National Defense sa isang 27-anyos na dating rebeldeng New People’s Army sa Negros Oriental dahil sa impormasyong ibinigay nito na nagresulta sa pagkakapatay ng isang lider ng NPA noong 2007.
Ang nasabing halaga na nakalagay sa itim na attaché case ay iniabot kahapon ng umaga ni Central Command commanding general, Lt. Gen. Victor Ibrado.
Hindi naman pinayagang makipag-usap sa mga mamamahayag ang dating rebelde na sinasabing limang taon ding nagtiis sa kabundukan hanggang sa ito ay nagpasiyang sumuko at nakipagtulungan sa militar.
“Dapat mas tinitingnan ang ipinamalas na katapangan ng nasabing impormante sa pakikipagtulungan sa militar dahil wala naman sa hinagap nito na may pabuyang nakalaan para sa ulo ni Illustrisimo,” pahayag ni Ibrado.
Ipinangako naman ni Ibrado na bibigyan ng sapat na seguridad ang bawat rebeldeng sumusuko pati na rin ang nakikipagtulungan sa kanila laban sa mga dating kasamahan na maaring magka-interes sa kanilang buhay.
Sa tala ng militar, ang napatay na lider ng NPA rebs ay kinilalang si Leopoldo Illustrisimo, alyas Akoy/ Redskie at Mayo ng Baking Squad.
Sa record ng militar, si Illustrisimo ay tubong Hacienda Pula, sa Barangay Eustaquio Lopez sa Silay City at sinasabing isa sa bumuo ng National Federation of Sugarcane Workers noong dekada 80 bago nito pinamunuan ang Larangan Gerilya 3; Larangan Gerilya 4 bilang deputy secretary ng Preparatory Front.
Noong 2005, ay naaresto ng tropa ng 11th Infantry Battalion si Illustrisimo subalit pinawalan din ito matapos na walang makitang ebidensya laban sa kanya.
Ito ang naging dahilan kaya siya na-demote sa kilusan at naging isa na lang squad leader, posisyong kanyang pinanghahawakan hanggang sa ito ay mapatay ng tropa ng Army Scout ranger noong
- Latest
- Trending