^

Probinsiya

Chairman dinedo sa sementeryo

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng nag-iisang gunman habang nakikipaglibing sa yumaong kaibigan sa Barangay 2 sa San Pablo City, Laguna ka­hapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr., Laguna pro­vincial director, ang bik­timang si Proven­ ciano Marco, 53, ng Ba­rangay Atisan sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, naglalakad lang ang biktima habang nakikipaglibing sa isang kaibigan nang tabihan at pagbabarillin ng isang ’di-kilalang lalaki pagdating mismo sa harap ng semen­teryo sa Leonor St. ban­dang alas-10:15 ng umaga.

Mabilis na nakatakas ang gunman matapos hu­malo sa mga nagtatakbu­hang tao hanggang sa tuluyan na itong maglaho.

May teorya ang pulisya na politika at personal na dahilan ang sinisilip ng mga awtoridad na motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

ATISAN

AYON

FELIPE ROJAS

KINILALA

LEONOR ST.

MABILIS

SAN PABLO CITY

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with