^

Probinsiya

Pagtatayo ng sanitary landfill nilagdaan

-

CAVITE – Maisasaka­tuparan na rin ang proyek­tong Solid Waste Processing Facility at Sanitary Landfill makaraang pirma­han  nina Cavite Governor Ayong S. Maliksi at pangulo ng Environsave, Inc. na si Engr. Lambert L. Lee, Jr., ang Memorandum of Understanding (MOU) noong Huwebes ng Enero 24.

Ang nasabing okasyon ay sinaksihan nina Engr. Rolino Pozas ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) at Engr. Ray E. Guillermo, manager ng Environsave, Inc., mi­yembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga hepe ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawi­gan at mga miyembro ng non-government organizations .

Base sa tala, nabahala ang mga residente dahil sa naiipong tone-tonelang basurang naiipon araw-araw kaya naman bilang tugon sa nakaambang panganib sa kalusugan, itatayo ang Solid Waste Processing Facility sa 2.1 ektaryang lupa sa Ternate, Cavite na kayang magla­man ng 800 tonela­dang basura mula sa mga ba­rangay.

Magtatayo naman ng dalawang transfer station sa mga bayan ng General Trias at Carmona para sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura bago ito idiretso sa processing facility at sanitary landfill.

Ang Pamahalaang Pan­lalawigan ng Cavite naman ay katulong ang mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang bayan at lungsod, ang ma­mamahala sa pag­dadala ng mga basura, pagba­bayad sa tipping fees at pagpapanatili ng ka­ayusan ng mga kalsada at im­prastraktura patungo sa sanitary landfill.  (Arnell Ozaeta)

ANG PAMAHALAANG PAN

ARNELL OZAETA

CAVITE

CAVITE GOVERNOR AYONG S

ENVIRONSAVE

SHY

SOLID WASTE PROCESSING FACILITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with