3 kawani ng ‘Nestle’ kinidnap

CAMP CRAME – Tat­long kawani ng Nestle Ice Cream ang iniulat na dinu­kot ng mga armadong kala­lakihan na pinaghihina­laang kasapi ng Pentagon kidnap-for-ransom gang sa bahagi ng Cotabato City, ayon sa ulat  kahapon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Jeofrey Becero, 28, ng Cotabato City; Christopher Lamigo, 42, ng Shariff Ka­bun­suan;  at ang kapatid nitong lalaki na ‘di natukoy ang pangalan.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang pagdukot sa bisinidad ng Barangay Tukanalipao, Mamasa­pano, Maguindanao ban­dang alas-2 ng hapon. Ayon sa mga awtoridad, ang tatlo ay pinagsu­sus­petsahan ng grupo ni alyas Musa na mga espiya ng gobernador sa Maguin­danao.

Nagpadala na ng emi­saryo ang lokal na pamaha­laan ng bayan ng Mamasa­pano upang makipagne­gosasyon sa mga kidnaper. (Joy Cantos)

Show comments