^

Probinsiya

Nakapatay ng aso, pinadadakip ng korte

-

CEBU CITY- Pinagha­hanap ngayon ng pulisya ang isang 28-anyos na mister makaraang ipag-utos ng mababang korte na arestu­hin dahil sa pagpatay sa isang aso sa Barangay Lengigon sa bayan ng Argao, Cebu may ilang araw na ang nakalipas.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Leonardo Careon ng Argao Municipal Trial Court, pina­dadakip ang suspek na si Ronelo Montalla ng na­bang­git na barangay dahil sa paglabag sa Republic Act 8485 (Animal Welfare Act).

Napag-alamang tu­mang­­ging harapin ni Mon­talla ang kasong isinampa sa korte ng may-ari ng asong napatay.

Ayon kay PO1 Von Tec­son, si Montalla ay nagtago matapos malaman na kina­suhan siya ng kanyang kapitbahay na si Alexander Gaudiana dahil sa pag­patay sa alaga nitong aso noong Disyembre 29.

Sa record ng pulisya, sinugod ng suspek na senglot at may hawak na itak ang kapitbahay nito subalit hindi siya pinatulan ni Gaudiana sa halip ay pi­nag­sabihang umuwi at matulog.

Lalong nagalit si Mon­talla at sinubukang habulin si Gaudiano subalit hindi na niya ito inabutan kaya na­man ang aso ang napag­balingang pagtatagain hanggang sa mapatay. (Fred Languido)

ALEXANDER GAUDIANA

ANIMAL WELFARE ACT

ARGAO MUNICIPAL TRIAL COURT

BARANGAY LENGIGON

FRED LANGUIDO

JUDGE LEONARDO CAREON

REPUBLIC ACT

RONELO MONTALLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with