^

Probinsiya

Christmas rape slayer nasakote

- Ni Roberto C. Dejon -

ORMOC CITY, Leyte – Nagwakas ang pagtatago ng suspek na isinasangkot sa panghahalay at pag­patay sa isang batang babae noong Kapaskuhan ng 2006 makaraang ma­sakote ng pulisya ang una sa Barangay Milagro, Or­moc City, Leyte noong Martes ng gabi.

Kinilala  ni P/Senior Insp. Raymundo Graveles, hepe ng PCP1 ang suspek na si Gary Adriano y Fuen­tes, 26, ng nabanggit na ba­rangay.

Si Adriano na nasakote matapos mamataan ni Dario Jurial na bumalik sa nasabing barangay ay iti­nuturong pangunahing sus­pek sa brutal na pag­patay kay Kyrel Cañete y Jurial, 9, noong ma­daling-araw ng Dec. 25, 2006.

Sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Exe­cutive Judge Apolinario Buaya ng Ormoc Regional Trial Court Branch 35, hindi naman nanlaban ang sus­pek matapos arestuhin ng mga tauhan ng PCP1 sa pangunguna nina P/Senior Insp. Raymundo Gra­veles, SPO4 Angelito Wenceslao, SPO2 Romeo Marquez, SPO1 Roberto Delgado, PO2 Darius Corbo, PO1s Junar Cal­doza, Edwin Jao, Roger Barondsa, Arile Villamor at Diosdado Albarillo.

Sa panayam ng PSN, pinabulaanan naman ng suspek ang akusasyon laban sa kanya, subalit sa record ng korte, lumilitaw na nasaksihan ng dala­wang testigong sina Milven Sacare, 17 at Randy Sa­rino, 16, ang ginawang kri­men ni Adriano.

Sa salaysay ng dala­wang testigo, namataan nila ang suspek na walang saplot at nakaibabaw sa biktima sa loob ng kubo ni Panyong Cuesta.

Nang mapansin ng sus­pek na nakita siya ng tes­tigo ay kaagad na lumabas ng kubo at pinagbantaang papatayin kapag ipinaabot  ang insidente sa kinau­ukulan.

vuukle comment

ANGELITO WENCESLAO

ARILE VILLAMOR

BARANGAY MILAGRO

DARIO JURIAL

DARIUS CORBO

DIOSDADO ALBARILLO

SENIOR INSP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with