KIDAPAWAN CITY – Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang jailwarden at jailguard ng North Cotabato Provincial Jail na natakasan ng preso na may kasong rape makaraang kasuhan sa Office of the Ombudsman sa Davao City noong Disyembre 2007.
Base sa reklamo ni Leonor Oria na isinampa sa Ombudsman, naging pabaya sina Red Marasigan, provincial jailwarden at Deogenes Buenafe, jailguard, sa kanilang tungkulin kaya nakatakas ang rape suspek na si Gilbert Borlat Lopez, 30, dating sales executive ng pribadong kompanya sa Davao City.
Napag-alamang si Oria ay ina ng biktimang hinalay ni Lopez.
Ayon sa ulat, ginawang trustee ni Buenafe, ang suspek na si Lopez kaya malayang nakalalabas ng selda, subalit sinamantala nito na makatakas.
Noong Biyernes ng Enero 4, namataan ng mga kaanak ng bitima si Lopez sa Kidapawan City kaya kaagad nilang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad subalit nakatakas din. (Malu Manar)