^

Probinsiya

Binatilyo dedo, 32 sugatan sa sakuna

-

LA TRINIDAD, Benguet  - Isang binatilyo ang iniulat na nasawi habang 32 iba pa ang sugatan makaraang bumaliktad ang jeepney na sinasakyan ng mga biktima sa Sitio Lat-ye, Barangay Samoki sa bayan ng Bontoc, Mt. Province noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Efraim Dulay Toyocan ng Barangay Calut-tit, Bontoc. Naospital naman ang 32 pasahero na karamihan ay naninirahan sa Barangay Kadaklan sa bayan ng Barlig, Mt. Province. 

Sa ulat ng pulis-Bontoc, nagpagulung-gulong at bumaliktad ang sasakyang Ford Fierra na walang plaka matapos na mawalan ng preno habang bumabagtas sa pakurbadang highway.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. Base sa tala ng pulisya, noong Disyembre 2007, dalawang sakuna na ang naganap sa Mountain Province na ikinasawi ng 9-katao at ikinasugat ng ilang sibilyan. (Artemio Dumlao)

vuukle comment

ARTEMIO DUMLAO

BARANGAY CALUT

BARANGAY KADAKLAN

BARANGAY SAMOKI

BONTOC

EFRAIM DULAY TOYOCAN

FORD FIERRA

PLACETYPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with