^

Probinsiya

Drug test  pineke

-

Sasampahan ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation ang 186 barangay officials ng  Western Samar dahil sa pang­huhuwad ng kanilang mga dokumento para makapasa sa drug test.

Ayon kay NBI Head Agent Danielito Lalusis, hepe ng NBI-Samar District Office,  sa 186 barangay officials ay 16 dito ang barangay chairmen; 20 ang opisyal ng Sang­guniang Kabataan, at ang iba ay mga barangay kagawad na.

Ang pagsasampa ng kaso ng NBI ay bunsod sa reklamo ng natalong kandidatong ba­rangay chairman na si Ester­ Herrera.

Isinumbong ni Herrera sa NBI na ang mga nanalo umanong barangay officials sa nagdaang October 29 Ba­rangay at SK election ay pa­wang pineke lamang ang kani-kanilang dokumento  para magkaroon ng drug test certification.

Sinabi pa ng NBI na kino­pya lamang ng mga nana­long barangay officials sa na­turang lalawigan ang kani­lang mga papeles mula sa  ibang dokumento para sa drug testing.

Ginamitan umano ng snowfake ng mga ito ang mga pangalan ng mga to­toong may-ari ng dokumento at inilagay ang kani-kanilang mga pangalan.

Sasampahan ng kasong falsification of public document ang mga nasabing ba­rangay officials. Maging ang mga opisyal umano ng Commission on Elec­tions na tumang­ gap ng pekeng do­kumento ay ma­susi din isa­sailalim sa im­bestigasyon ng NBI.  (Grace Amargo-Dela Cruz)

GRACE AMARGO-DELA CRUZ

HEAD AGENT DANIELITO LALUSIS

HERRERA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with