6 CPUs nabawi
MALOLOS CITY—Nabawi ng pulisya ang anim sa sampung computer process units (CPU) na ninakaw sa bahagi ng Malolos City, Bulacan matapos itong tangkaing ibenta sa Internet café.
Sa ulat ni P/Supt. Edwin Quilates, ninakawan ang Benjzky Cyber Café na pag-aari ni Angelo Pineda noong madaling-araw ng Biyernes sa Barangay Abangan, Norte, Marilao matapos wasakin ang padlock at roll-up door ng nasabing establisimyento.
Natangay ng mga suspek ang 10-CPUs na nagkakahalaga ng P120,000.
Sa follow-up operation ng pulisya, natuklasan na ang mga ninanakaw na CPUs ay ibinebenta sa Internet sa pamamagitan ng “tipid.com” kung saan ay isunusubasta ang mga computers parts.
Sinubukang bumili ng pulisya ng isa sa mga ibinebentang CPU sa halagang P8,500 at positibong iyong kinilala ng biktima matapos makita ang serial number nito sa likod.
Dahil dito, sinalakay ng pulisya ang tindahang pag-aari ni Allan Suansing y Rey sa Kalye Tayuman sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa, at inaresto ang suspek.
Matapos mabawi ang anim sa ninakaw na CPU, pinag-aaralan ngayon ng pulisya kung kakasuhan ng robbery o paglabag sa anti-fencing law si Suansing. Dino Balabo
- Latest
- Trending