Health exec sisibakin sa dengue
Dahil sa pagkadismaya niya sa kabiguan ng lunsod na maampat ang dumaraming kaso ng dengue, nagbanta kahapon si Cebu City Mayor Tomas Osmeña na tatanggalin niya sa puwesto ang mga opisyal ng city health department na nakatoka sa pagtugon sa problema sa naturang sakit.
Naiinis si Osmeña dahil hindi sinunod ng city health office ang kanyang kautusan na lunasan ang problema ng maruming lagoon sa Labangon na pinamamahayanan ng mga lamok.
“Tatanggalin ko sila sa puwesto. Inutil ang city health office. Tatanggalin natin sila at ipalit sa kanila yaong makakagampan ng kanilang trabaho,” sabi pa ng alkalde.
Iniulat kamakalawa ng city health office na tatlo pang tao ang namatay sa sakit na dengue fever sa
Sa 80 barangay sa lunsod, ang Labangon ang may pinakamaraming kaso ng dengue. (Wenna A. Berondo)
- Latest
- Trending