^

Probinsiya

7 coed nakuryente sa poste

- Joy Cantos -

Pitong  college student na kumukuha ng kursong Electrical  Engineering ang iniulat na nakuryente ma­karaang mapadikit sa na­buwal na poste ng kur­yente sa Ba­rangay Aga­ nan, Iloilo City, kamaka­lawa.

Batay sa ulat na naka­ra­ting sa Camp Crame, da­la­wa sa mga estud­yanteng nasa kritikal na kondisyon ay sina Mark Que at Mark Ro­driguez na kapwa 4th year college sa Central Philippine University at ngayon ay nasa Iloilo  Mission Hospital.

Bukod sa nakuryente, na­sugatan din ang ulo ni Que nang matamaan ito ng poste  na gawa sa ba­kal.

Ayon sa imbesti­ gas­yon, bandang alas-9 ng umaga habang inaayos ng mga bik­tima ang search light ng basketball court sa campus ng nabanggit na uni­ber­sidad para sa naka­takdang outreach program ng ma­ganap ang insi­dente.

Sa pahayag ng mga na­kasaksi, bigla na lamang na­buwal ang poste na pinag­ka­kabitan ng mga linya ng kur­yente at hindi na naga­wang makaiwas ang mga biktima.

Kasalukuyang inaayos na ng mga tauhan ng Iloilo Electrical Corporation ang nabuwal na poste habang patuloy naman ang im­bestigasyon ng pulisya kung may pananagutan ang nasabing kompanya.

CAMP CRAME

CENTRAL PHILIPPINE UNIVERSITY

ILOILO

ILOILO ELECTRICAL CORPORATION

MARK QUE

MARK RO

MISSION HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with