May-ari ng babagsak na billboard iba-‘blacklist’

Kung si Cebu City Mayor Tomas Osmeña lang ang masusunod, ipapa-blacklist na lang niya ang mga kumpanyang nagpapalagay ng mga billboard nang walang permiso.

Ginawa ni Osmeña ang kanyang opinyon kahapon kasabay ng pagdedebate ng konseho ng Cebu kung ano ang nararapat gawin sa mga billboard owner o outdoor advertiser sa lunsod.

“Iba-blacklist na lang natin sila para maintindihan ng iba na maaaring mawalan sila ng negosyo,” wika ng al­kalde.

Tinalakay kamakalawa ng konseho ang isang panukalang ordinansang magpaparusa sa mga may-ari ng billboard at outdoor advertiser  kapag ang kanilang billboard ay bumagsak dahil sa mahina nitong pundasyon o nasira ang kanilang tarpaulin kapag masama ang panahon. (Joebert M. Ocao)

Show comments