Kawani ng Smart Telecom nilikida

BATANGAS CITY – Isang kawani ng Smart Telecom ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo sa naga­nap na panibagong karaha­san sa harapan ng University of Ba­tangas sa Hilltop road, Ba­rangay Kumintang Ibaba sa Batangas City, Batangas ka­hapon ng umaga. Siyam na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Nick Caaway, 41, ng Barangay Tabangao, Ba­tangas City at malapit na kamag-anak ni ex-Barangay Chairman Joel Caaway ng Bagong Lipunan Tabangao.

Sa inisyal na imbesti­gas­yong isinumite kay P/Supt Christopher Tambu­ngan, Ba­tangas City police chief, ang biktima na mag­hahatid sana ng kan­yang tat­long anak sa nasa­bing uni­bersi­dad nang lapitan at pag­ba­barilin ng mga suspek ban­dang alas-6:30 ng umaga

Nakaligtas naman ang kanyang mga anak at asa­wang si Marciana Añonuevo Caaway habang nakasakay sa pag-aaring Ford Ranger pick-up na may plakang ZEN-516.

Ilang oras matapos ang krimen, natunton ng mga opera­tiba sa pangunguna ni P/Senior Insp. Mario Alvarez, ang kulay itim na Honda XRM (5177 DA) na gina­mit ng gunmen sa Sitio Ayala, Barangay Pobla­cion, San Pascual, Ba­tangas.

Naaresto naman ang isa sa suspek na si Marcelito Velena, 42, ng Barangay Hi­dalgo, Ta­ nauan City, Ba­tangas. Sa tactical interrogation, inamin ni Velena na siya ang bumaril kay Caaway ma­tapos siyang pa­ nga­­kuang babayaran ng P20,000 at isang baril ng kanyang ka­sab­wat na si Mario Mara­sigan.

Sa panayam ng PSN kay P/Supt. Tambungan, pulitika ang posibleng dahilan ng pagka­kapatay kay Caaway.

Show comments