^

Probinsiya

Rapist sinampal ni Duterte

-

CAMP CRAME – Ma­la­kas na sampal ang pi­nadapo ni Da­vao City Mayor Rodrigo Duterte sa isang ama na gu­mahasa sa sariling anak na dalagita sa nabanggit na lung­sod, kamakalawa.

Ang suspect na itinago sa pangalang Mang Jose upang protektahan ang kaniyang pamilya ay ipri­nisinta kay Mayor Duterte matapos ma­sakote ng mga tauhan ng Buhangin PNP sa Yellow Fin Restaurant sa Davao City.

Batay sa ulat, ang  sus­pek ay inaresto matapos na dumulog sa himpilan ng pu­lisya ang biktimang si­na­mahan ng ilang kamag­-anak para magreklamo.

Agad namang kinom­pronta ni Duterte ang na­sabing suspek at siner­mo­nan nito saka sinampal ng ma­lakas.

Ikinatwiran ng suspek na lasing siya nang halayin ang 13-anyos niyang anak kaya hindi alam ang kani­yang ginagawa bagay na ikinagalit ng nasabing al­kalde.

Sa lakas ng pagkaka­sampal ay halos hindi na­kapagsalita ang suspek at napayuko na lamang at hindi makatingin kay Mayor Du­terte.

Kaugnay nito, agad na­mang ipinag-utos ni Mayor Duterte sa Davao City Social Services and Development Office para imbesti­gahan ang status ng pa­milya ng biktima.

Ibig makasiguro ni Du­terte na hindi nabiktima ang iba pang anak na babae ng suspek. (Joy Cantos)

vuukle comment

CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DAVAO

DUTERTE

JOY CANTOS

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with