^

Probinsiya

3 sako ng blasting caps nasamsam; death toll: 5

-

Tatlong sako ng mga blasting caps ang nare­kober sa follow-up operations ng pulisya  sa pinag-imbakan ng mga dinamita sa isang subdivision ka­ makalawa ng ha­pon sa Bacoor, Cavite.

Kasabay nito, umabot na sa lima katao ang na­sawi matapos na isa pang bangkay ang nakuha sa naturang lugar dakong alas-2:30 ng hapon kaha­pon.

Sinabi ni Cavite Provincial Police Office Director Sr. Supt. Fidel Posadas na ang naturang mga  blasting caps ay nakuha sa bahay ni Rechilda Socon sa Brgy. Habay na siya ring may-ari ng sumabog na bahay sa Anthurium Street sa Phase V, Ca­mella Sorrento Homes sa Barangay Panapaan.

Kinilala ni Posadas ang tatlo sa mga nasawi na sina Richelda Socon, Rafael Amengo at Joel Delloza ha­bang patuloy pang nilala­patan ng lunas ang mga nasugatan sa  insidente.

Sa lakas ng pagsabog, isa pa sa mga biktima ay tumilapon nang 200 metro habang ang isa pang bik­tima ay nakita sa ilalim ng dalawang nasunog na  sasakyan. Ang malakas na pagsabog sa lugar ay iki­nawasak rin ng may anim na kabahayan.

Si Socon ang sinasa­bing mastermind sa paga­waan at pagbebenta ng mga blasting caps na gi­nagamit sa paggawa ng dinamita at iba pang uri ng paputok. (Joy Cantos at Cristina Timbang)

ANTHURIUM STREET

BARANGAY PANAPAAN

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR SR. SUPT

CRISTINA TIMBANG

FIDEL POSADAS

JOEL DELLOZA

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with