^

Probinsiya

6 lunod sa party ng poll winner

- Ronilo Pamonag -

ILOILO CITY – Naging trahedya ang masayang victory party ng mga nanalong kan­didato ng barangay at Sang­guniang Kabataan polls ma­karaang malunod ang anim na menor-de-edad sa beach re­sort sa Barangay Barobos sa bayan ng Carles, Iloilo kahapon.

Sa panayam ng Aksyon Radyo-Iloilo kahapon, kinilala ni Ana May Langrio, newly elected SK chair ng Barangay Malap-ok sa ba­yan ng Ba­lasan, ang mga biktimang si  Mary Ann Langrio, 13; Cielo Arinajo, 14; Risa Arinajo, 16; Eden Aglinao, 16; Mary Ann Labingh, 16 at si Lovely Bullos na kasalukuyang nawa­wala ay pinaniniwalaang na­lunbod na rin.

Ang mga biktima na kabi­lang sa dumalo sa victory party ng mga nanalong opisyal ng barangay at SK sa Bunedia Beach Resort sa nabanggit na bayan ay idineklarang patay sa Jesus M Colmenares District Hospital sa bayan ng Balasan.

Ayon kay Langrio, lumilitaw na bitbit sa balikat ng mga lalaki ang anim habang naglalakad na palangoy sa may 300 metro ang layo sa dalampasigan.

Nabatid na binalaan ng isang mangingisda ang mga bik­­ tima na bumalik sa dalam­pasigan hanggat mababaw pa ang tubig  dagat.

Subalit ilang minuto pa la­ mang habang pabalik na sa pampang ay biglang tumaas na ang tubig dagat kaya hindi na nakayanang lumangoy ng mga lalaki at nabitiwan na ang mga biktimang hindi marunong lumangoy.

Nakaligtas naman sina Rey Ann Salle at Jeanette Salvador habang patuloy naman ang search and rescue operation sa nawawalang biktima.

vuukle comment

AKSYON RADYO-ILOILO

ANA MAY LANGRIO

BARANGAY BAROBOS

BARANGAY MALAP

BUNEDIA BEACH RESORT

CIELO ARINAJO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with