^

Probinsiya

Shooter huli sa shoplifting

-

Dinakip ng mga security guard ng SM City- Lucena ang isang sikat na player sa practical shooting at anak ng isang prominenteng ne­gosyante sa Lunsod ng Lucena matapos umano nitong tangkaing ipuslit ang tatlong piraso ng imported Dart arrows sa Chris-Sports sa unang palapag ng na­turang department store kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Bryan Tam, 31, residente ng Bgy. Iyam sa lunsod ng Lucena at dating sikat na practical shooter na naging panlaban ng bansa sa larangan ng pagputok may ilang taon na ang nakalilipas.

Napag-alaman na ang sus­ pek ay anak ng kilalang negos­yante sa lunsod na si Aton Tam na siyang may-ari ng Peking Restaurant at isa sa mga may ari ng Titan Security Agency. Ang mag-ama ay kapwa ka­sapi ng Lucena Gun Club.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng hapon habang ang sus­pek ay nasa loob ng esta­blisimiyento na nagbebenta ng mga sports materials. Napansin umano ng isa sa mga sales lady ang tang­kang pagpupuslit ni Tam ng tatlong dart arrows na nag­kakahalaga ng P1,605 kaya agad niya itong isinum­bong sa kanilang gwardya.

Nang sitahin, nagalit pa umano ang suspek sa halip na mapahiya. “Para ‘yan lang, balewala yan. Pag­dating ng abogado ko ay settled din iyan,” wika pa umano ng suspek. Dahil dito, tumawag umano sa pulisya ang may ari ng establi­si­miyento at iniulat ang insi­dente. Agad namang nag­responde ang Lucena police station at dinala sa presinto ang suspect.

Gayunman, naayos din ang problema dakong alas-7:00 ng gabi makaraang ihabilin ng suspek sa Chris Sports ang kanyang Honda motorcycle bilang prenda sa kanyang atraso. (Tony Sandoval)

vuukle comment

ATON TAM

BRYAN TAM

CHRIS SPORTS

LUCENA

LUCENA GUN CLUB

PEKING RESTAURANT

SHY

TITAN SECURITY AGENCY

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with