^

Probinsiya

Demolisyon sa Cavite umarangkada

-

CAVITE - Isinagawa ang demolisyon laban sa mga iligal na istraktura sa dala­wang lugar sa Barangay Langkaan I sa bayan ng Das­mariñas, Cavite noong Set­yembre upang ma­pa­natili ang kalinisan sa mga tabing-ilog, baybay dagat at iba pang peligrosong lugar sa na­banggit na lalawigan.

Dahil sa pagpapatuloy ng programa ni Cavite Gov. Ayong Maliksi na malinis ang iba’t ibang lugar ay pi­nuntirya ng Provincial Task Force Against Professional Squatters and Squatting Syndicates (PTFAPSSS) ang mga iligal na istruk­turang nakatirik sa baybay ilog ng Barangay Langkaan II noong Biyernes (Oktubre) 19.

Sa naturang lugar, natu­koy ang may pitumpu’t wa­long ka­bahayan na suma­sakop sa bahagi ng easement (hang­ganan ng ilog) kung kaya’t ipinag-utos ni Maliksi ang agarang pag­pa­palipat sa mga apekta­dong pa­milya upang maka­iwas sa anumang pa­nganib na ma­aring idulot sa pana­hon ng kalamidad.

Ibinatay ang demolisyon sa Section 28 ng Republic Act 7279 (Urban Development and Housing Act) na nagpa­pahin­tulot kapag ang mga istruktura ay nakatirik sa delikadong lugar o kaya ay sumasakop sa mga es­tero, riles, tambakan ng ba­sura, ilog o bahaging tubig at iba pang pampublikong lugar.

Tulad ng demolisyon sa naunang barangay, naging mapayapa ang operasyon ng task force sa Barangay. Lang­kaan II matapos du­maan sa proseso ng kon­sultasyon at masusing pag­hahanda alin­sunod sa mga regulasyong itinakda ng Presidential Commission for the Urban Poor.

Tumanggap naman ng tulong pinansiyal ang mga apektado mula sa Pama­ha­laang Panlalawigan na P5,000 kada pamilya at relokasyon sa Abot-Kamay Hometown Village sa Ba­rangay Langkaan I sa tu­long naman ng pamaha­laang lokal ng Dasmariñas. Arnell Ozaeta

ABOT-KAMAY HOMETOWN VILLAGE

ARNELL OZAETA

AYONG MALIKSI

BARANGAY LANGKAAN

BARANGAY LANGKAAN I

CAVITE GOV

LANGKAAN I

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with