^

Probinsiya

7 miyembro ng frat arestado sa hazing

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna  – Pitong miyembro ng 25 Miles Fraternity ang inaresto ng pulisya kamakalawa matapos ireklamo ng 16-anyos na babaeng estudyante na sumaila­lim ng matinding hazing sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Kinilala ni P/Ins­pector Mario David, de­puty police chief sa ba­yan ng Sta. Cruz, ang mga suspek na sina Ri­chard Abejon, 29 ; Albert Timoteo, 21; Dexter Ba­litayan, 21; Joshua Za­lameda, 20; Paula Mar­tirez, 19; at dalawa pang menor- de-edad.

Naaresto ang mga suspek sa bisa ng war­rant of arrest na ipina­labas ni Judge Jaime Blancaflor ng Sta. Cruz Regional Trial Court-Branch 26 matapos na hindi sumipot sa korte kung saan inisyuhan ng subpoena sa kasong physical injuries in rela­tion to RA 7610.

Nag-ugat ang rek­lamo laban sa mga sus­pek matapos magde­manda ang isang 3rd year student ng Pedro Guevarra High School at mga magulang nito dahil sa matinding sina­pit na bugbog ng  dalaga mula sa idinaos na hazing noong January 10, 2007

Magkakasabay na dinakip  ang mga sus­pek sa Barangay Santo Angel Sur sa Sta. Cruz, Laguna samantalang pinaghahanap pa ang anim na miyembro ng naturang frat. Arnell Ozaeta 

ALBERT TIMOTEO

ARNELL OZAETA

BARANGAY SANTO ANGEL SUR

CRUZ

CRUZ REGIONAL TRIAL COURT-BRANCH

DEXTER BA

HIGH SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with