^

Probinsiya

Guro nag-suicide

- Danilo Garcia -

CAMP CRAME – Winakasan ng isang guro ang kanyang bu­hay matapos na umi­nom ng insecticide sa harapan ng mga ma­gulang ng kanyang mga estudyante sa Ilocos Norte.

Kinilala ng pulisya ang guro na si Anthony Cadiente ng  Gabaldon Elementary School na pinaniniwalaang isina­ma ang mga magulang ng kanyang estudyante sa palayan sa bayan ng Bacarra at doon isina­gawa ang pagpapati­wakal.

Napag-alamang may ilang beses na bi­nalak magpakamatay ng nabanggit na guro dahil umabot sa kan­yang kaalaman na naki­kipag-date ang kanyang nobya sa ibang lalaki.

Samantala, isang guro naman ang nalala­gay sa balag ng alanga­nin dahil sa pananakit sa kanyang estudyante sa Iloilo may ilang araw na ang nakalipas, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang guro na si Shiela Navarro na inireklamo ng Grade 1 pupil na tinusok nito ng ballpen sa noo.

Sa sumbong ng bata, nagalit ang guro nang hindi siya gumawa ng assignment kaya’t sinaktan ito sa kanilang  paaralan sa Hacienda Conchita Elementary School sa Barangay Hacienda Conchita, San Dionisio.

Bukod dito, ilang es­tudyante rin ang nag­sumbong na binato sila ng eraser, aklat at sapa­tos ng kanilang teacher.

vuukle comment

ANTHONY CADIENTE

BARANGAY HACIENDA CONCHITA

GABALDON ELEMENTARY SCHOOL

HACIENDA CONCHITA ELEMENTARY SCHOOL

ILOCOS NORTE

KINILALA

SAN DIONISIO

SHIELA NAVARRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with