^

Probinsiya

5 Budol-Budol nalambat

-

Olongapo City — Limang miyembro ng kilabot na Budol-budol gang ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Intelligence and Investigation Branch at City Mobile Group ng Olongapo   City Police Office sa isina­gawang entrapment opera­tion sa Barangay East-Bajac-Bajac sa lungsod na ito ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ni OCPO Director P/Sr, Supt. Abelardo Villa­corta ang mga suspek na sina Clark  Mirana, Nathaniel M. Dagan, Angelo Recopero at ang magkapatid na sina Walter at Willy Visda, kapwa naninirahan sa Iram Reset­tlement Area, Barangay Old Cabalan, Olongapo City.

Ayon kay Villacorta, na­dakip ang mga suspek sa isang entrapment operation bandang alas-3:00 ng hapon noong Sabado sa isang kilalang fast-food chain sa may Ulo ng Apo rotonda sa nasabing lugar habang ang mga ito ay nasa aktong nag­be­benta ng ilang pirasong huwad na gold bars sa hala­gang P2 milyon  sa hindi na pinangalanang biktima.

Agad na nagpulasan ang tatlong suspek sa lugar su­balit mabilis namang nadakip ang mga ito sa may Baran­gay Mangan-Vaca, Subic, Zambales sa naganap na hot-pursuit operation sa pa­kikipag-ugnayan sa Subic Po­lice Station sa pangu­nguna ni P/Supt. Cesar Jacob.

Nakuha sa grupo ang tatlong pirasong pekeng “gold bars” na tumitimbang ng 12-kilo at umanoy ibine­benta sa halagang P4-milyon sa kanilang buyers.

Nabatid pa kay Villacorta na ang grupo na kumikilos sa Olongapo at Zambales  ay iti­nuturong sangkot din sa pag­paslang sa isang En­gineer Dante Soriano ng Subic no­ong Agosto  na kani­lang na­ging biktima habang nasa kalagit­naan ng pagbe­benta ng pekeng bara ng ginto.

Nagbabala naman si Villa­­­corta sa mamamayan  na maging mapagmatyag  sa modus operandi ng sindikato na nangungumbinsi ng bik­tima sa pamamagitan ng pag text sa cell phone at aalukin ang kanilang ibinebentang bara ng ginto at agad na sisibat kapag ito ay naibenta na.  (Jeff Tombado)

vuukle comment

ABELARDO VILLA

ANGELO RECOPERO

BARANGAY EAST-BAJAC-BAJAC

BARANGAY OLD CABALAN

OLONGAPO CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with