^

Probinsiya

Shootout: 3 opisyal ng barangay, 1 pa dedo

-

TACLOBAN CITY —  Apat-katao kabilang na ang tatlong opisyal ng barangay ang iniulat na napaslang ha­bang apat iba pa ang malub­hang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na pa­na­nambang sa bisini­dad ng Purok 7, Barangay Ca­lapi sa bayan ng Motiong, Samar noong Miyerkules ng gabi.

Kabilang sa mga bikti­mang napatay ay sina Ba­rangay Carnas Chairman Be­dasto Dacatimban, Ba­rangay Coun­cilor Ernesto General, baran­gay tanod Benito Dacu­tanan at ang magsasakang si Simplicio Ebit, 54.

Ginagamot naman sa Sa­mar Provincial Hospital sa Cat­balogan City sina Benja­min Da­catimban, SK Chair­man Jo­nathan Dacutanan, Noel Ca­bael at si Wilson Garen.

Kasalukuyan namang na­wawala sina Jaime Dacu­tanan at Richard Dacatimban.

Inaalam naman ni P/Chief Supt. Teodorido Lapuz IV, de­puty regional director for admi­nistration, kung may kaugna­yan ang krimen sa nalalapit na synchronized barangay at SK elections sa Oktubre 29.

Sa ulat ng pulisya, tinam­bangan at napatay si Coun­cilor General ng mga ’di-kila­lang kalalakihan, habang nakaligtas naman ang kan­yang asawang si Leona at ilang kasamahan sa bisi­nidad ng Barangay Canva-is sa bayang nabanggit.

Kasunod nito, inambus at napatay sina Benito, Sim­plicio at Bedasto habang sakay ng multicab sa kaha­baan ng pro­vincial road na sakop ng Purok 7 sa Pob­lacion ng Barangay Calapi sa bayang nabanggit.

Hindi naman inaalis ng ilang opisyal ng pulisya na may kinalaman ang pana­nambang sa barangay at SK election na ngayon (Sept 29) ang unang araw ng filing ng certicate of candidacy. Miriam Desacada

BARANGAY CA

BARANGAY CALAPI

BARANGAY CANVA

BENITO DACU

CARNAS CHAIRMAN BE

CHIEF SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with