Holdap: Mag-asawang trader dedo

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ang mag-asawang negosyante ng mga ’di-kilalang kalala­kihan sa naganap na holda­pan sa bisinidad ng Baran­gay San Antonio sa bayan ng Biñan, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Ed­gardo De Leon, hepe ng Biñan police station, ang mag-asa­ wang biktima na sina Danilo De Guzman at Sheryl na kapwa 50-anyos at resi­dente ng Casas Subd. sa nabanggit na barangay.

Base sa ulat ng pulisya, lumilitaw na bandang alas-7:15 ng gabi, pauwi na ang mag-asawang magkaangkas sa kulay pulang scooter nang harangin sila ng tatlong ‘di-kilalang kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Casas sa panulukan ng  Balintawak Street sa na­banggit na barangay.

Nang mapahinto ang mag-asawa, bigla na lang silang pinagbabaril ng dala­wang gunmen bago kinuha ang handbag ni Sherlyn at tumakas sa ‘di-malamang direksyon.

Sinikap pang isalba ang mag-asawa sa Perpetual Help Medical  Center subalit idinek­larang patay ng mga doctor.

Kasong robbery ang inis­yal na motibo ng  pamamas­lang sa mag-asawa subalit sinisilip ng pulisya ang ibang anggulo matapos makilala ng isang testigo ang mga bu­maril sa dalawa, pahayag ni Col. De Leon sa PSN. (Dag­dag ulat ni Joy Cantos)

Show comments