Bodega ng armas natunton

CAMP CRAME  — Na­tunton ng mga awtoridad ang itinuturing na malaking bodega ng armas ng mga rebeldeng New People’s Army sa isinagawang ope­ras­yon sa Quezon kamaka­lawa. Batay sa report ng Philippine Army, dakong alas-2 ng ma­daling-araw nang salakayin ang pinagku­ kutaan ni Jua­nito Mendoza, dating sec­retary general ng Kilusang Sang­gunian Pam­propa­gan­da ng NPA sa  Barangay Sa­bang, Tagka­wa­yan, Que­zon.

Gayunman, nabigo ang security forces ng PNP at Army’s 74th Infantry Bat­talion na maaresto si Men­doza. Narekober sa raid ang tatlong baril, mga bala, dalawang night vision goo­gles, isang binocular at limang blasting caps na ngayon ay nasa storage room ng Intelligence Unit ng Army. Joy Cantos

Show comments