^

Probinsiya

Patayan sa Trento ’di-totoo - Hitgano

-

TRENTO, Agusan del Sur – Mariing itinang­gi ng dating mayor ng bayan ng Trento, Agusan del Sur, ang mga aku­sasyon na siya ang utak ng mga patayang naga­ga­nap sa nabanggit na bayan.

“Puro kasinunga­li­ngan at “politically-motivated” ang mga sinabi ni Elmo Numancia laban sa akin bilang mastermind ng mga patayan sa Trento,” pahayag ni ex-Mayor Escolastico M. Hitgano Sr.

“Paano mo panini­walaan ang isang self-confessed killer na tulad ni Numancia. Malinaw na isang black propaganda lamang ito para mapa­boran ang kalaban ng aking asawa,”dagdag pa ni “Eti” Hitgano Sr.

Sinabi pa ni Hitgano na naghain ng petisyon ang natalo niyang kala­ban na si Rolando Abutay matapos na iproklama si Irenea “Nene” Hitgano bilang nanalong alkalde, subalit ibinasura ng Municipal Board of Canvassers dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Kamakailan ay nag­petisyon uli si Abutay sa Commission on Elections (Comelec) sa Maynila da­hil sa maraming pag­labag sa Omnibus Election Code si Irenea Hit­gano at kanyang mga ka­tiket na nanalo at maging ang imbestigasyon ay isagawa sa Maynila dahil sa grave danger to the safety and security ng mga testigo.

“Tapos, bigla na lang lalabas ang isang self-confessed killer na tulad ni Numancia at mag-a­ akusa ng kung anu-ano tungkol sa patayan sa bayan ng Trento, Hindi ba kataka-taka ito”, pata­nong pa ni “Eti Hitgano Sr.

Nabatid na si Abutay ay nahaharap din sa ilang kaso, kabilang dito ang perjury matapos niyang sabihing dati siyang hepe ng pulisya sa bayan ng Trento, na ayon sa mga record ay hindi naman totoo.

vuukle comment

ABUTAY

AGUSAN

ELMO NUMANCIA

ETI HITGANO SR.

HITGANO

HITGANO SR.

SHY

TRENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with