^

Probinsiya

Mag-iina kinatay ng adik na ama

-

CAMP VICETNE LIM, Laguna  – Malagim na kamata­yan ang sinapit ng isang 40-anyos na misis at dalawa nitong anak na paslit maka­raang pagtatagain ng sariling mister na pinaniniwalaang napraning dahil sa pagkalango sa droga sa Barangay Niugan, Cabuyao, Laguna kahapon ng madaling-araw. 

Kinilala ni P/Supt. Mark Edison Belarma, Region 4A-Criminal Investigation and Detection  Group (CIDG) chief, ang kinatay na mag-iina na si Susan Zamora at dalawang anak nitong  sina Rolando Jr., 4 at Rosana, 2, pawang resi­dente ng Block 30 Lot 2 South­ville ng nabanggit na bayan.

Pormal naman kakasuhan matapos na masakote ang sus­pek na si Rolando Zamora Sr., 39, na ngayon ay sumasa­ilalim sa imbestigasyon sa Cabuyao police station.

Ayon sa ulat, bandang alas-4 ng madaling-araw nang mabulabog ang mga kapit­bahay ng pamilya Zamora kung saan nagwala ang sus­pek at pagtatagain ang kan­yang sariling pamilya habang natutulog sa kanilang tahanan.

Tanging hiyawan at iyakan ng mag-iina habang pinag­tataga ng suspek ang narinig ng mga nagrespondeng lala­king kapitbahay kasama ang mga barangay tanod at nasu­kol ito ng mga operatiba ng pu­lisya na sumugod rin sa lugar ng krimen.

“Posibleng naburyong ang suspek dahil sa epekto ng droga at hindi pagtulog ng 48-oras, nagsasalita na hinahabol daw siya ng mga taong gus­tong pumatay sa kanya kaya niya  pinagtataga ang kanyang pamilya na inakala marahil na masamang espiritu,” pahayag ni Belarma sa PSN

“Nasira na ang ulo ng sus­pek kasi pangiti-ngiti pa s’ya habang iniimbestigahan sa police station na parang bale­wala sa kanya ang gina­wang brutal na krimen,” dag­dag pa ni Belarma. (Arnell Ozaeta, Joy Cantos at Ed Amoroso)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY NIUGAN

BELARMA

CABUYAO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION

ED AMOROSO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with