^

Probinsiya

Gang rape na naman sa Laguna

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Mata­pos sa Los Baños na nasun­dan sa bayan ng San Pedro ay may paniba­gong gang rape naman sa Biñan, Laguna noong Huwebes.

Ayon kay P/Senior Supt. Felipe Rojas, Laguna police director, isang 16-anyos na estud­yante na itinago sa pa­ngalang “Marie ng Ba­rangay Dita, Sta. Rosa, Laguna ay pini­lahan ng anim na kala­lakihan sa Ba­rangay Ma­laban, Biñan, Laguna no­ong Huwebes ng hapon.

Si Marie ay inimbita­han ng kanyang kaibi­gang si Chenita “Bub­bles” Tan, 30, sa fiesta celebration sa bahay ng isang Wency sa nasa­bing ba­rangay noong Huwebes pa lang ng umaga.

Napag-alamang naki­lala ng biktima, si Angelita Reyes at anim pang kala­lakihan hang­gang sa silay magkainu­man ng alak, hanggang sa umalis na sina Ange­lita at Bubbles sa grupo at iniwang nag-iisang babae si Marie sa anim na kalalakihang hindi pa nakikilala hang­ gang sa kasalukuyan.

Nang malasing si Marie, ay sinamanta­lang pilahan ng anim na sus­pek bandang alas-3 ng hapon hanggang sa ma­ka­uwi ang dalagita at ipinagbigay-alam sa mga magulang ang sinapit nito sa kamay ng anim na gahaman sa laman.

Sa resulta ng medical examination, positibong hinalay ang biktima kaya nagreklamo sa himpilan ng pulisya at kaagad na­man naaresto sina Ange­lita Reyes at Chenita “Bubbles” Tan dahil sa pakikipagku­ tsaba sa mga suspek na ngayon ay tinutugis.

Matatandaang kata­tapos lang maganap ang gang rape sa Tanauan City, Batangas at Los Baños, Laguna noong Hulyo 1 at Hulyo 18 , na kaagad namang nasun­dan sa bayan ng San Pedro, Laguna noong Hulyo 20. Arnell Ozaeta at Joy Cantos

vuukle comment

ANGE

ANGELITA REYES

ARNELL OZAETA

CHENITA

FELIPE ROJAS

HULYO

HUWEBES

LOS BA

SAN PEDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with