Bus binomba: 1 todas, 10 sugatan

KIDAPAWAN CITY — Isa patay, mahigit 10 sugatan, nang halos sabay na sumabog ang dalawang mga improvised explosive device sa may terminal ng Yellow Bus Line sa General Santos Drive sa Koronadal City dakong alas-5:40 ng hapon  kahapon.

Kinilala ni Supt. Florendo Quidilla, hepe ng Koronadal City Police, ang nasawi sa pagsabog na si Winnie Boy Caritan, 31, ng Alliance Church na nakabase sa Davao del Norte.

Ayon sa report, nakatayo lang sa may waiting shed, malapit sa bomb site, ang biktima nang biglang pumutok ang bomba sa loob ng Yellow Bus Line na may body number 1951. 

Sunog na sunog ang kata­wan ni Caritan dahil sa tindi ng pagsabog.

Pinaniniwalaang gawa ng Al Cubar Terror Group ang naturang mga pagsabog na nauna na ring umamin sa mga nakaraang pagsabog sa mga unit ng bus ng Yellow Bus Line sa South Cotabato at Peoples Transport sa North Cotabato, ayon sa mga imbestigador. Malu Cadelina Manar

Show comments