^

Probinsiya

2 aktibista sumapi na sa NPA

-

CAMP AGUINALDO  — Dalawang lider militante na napa­ulat na kinidnap ng mga armadong kalalakihan ang pinaniniwa­laang sumapi na  sa kilusan ng mga rebeldeng New People’s Army sa Western Visayas Region, ayon sa ulat kahapon. Batay sa pinakahuling intelligence report na nakalap ng pulisya sa tulong ng militar, kinilala ang dalawang aktibistang lider na sina Luisa Posa Dominado at Nilo Arado. Napag-alamang sina Domi­nado at Arado ay namonitor ang presensya sa kabun­dukan ng Antique at Iloilo. Sa ulat ni P/Senior Supt. Melvin Mong­cal, Iloilo police director, nakatanggap sila ng impormasyon na hindi kinidnap ang dalawa bagkus kusang loob na sumanib sa NPA. Gayon pa man, patuloy na bine­beripika ng kanilang intelligence personnel ang nasabing ulat. Matatandaang sina Dominado at Arado ay napaulat na nawawala ilang araw bago ang 2007 elections sa bayan ng Oton matapos na dumalo sa pagpupulong ng mga prog­resibong militanteng grupo sa Antique. Samantala, agad na­mang itinuro ng militanteng grupo na ang tropa ng militar ang nasa likod ng pagdukot sa dalawang lider militante. (Joy Cantos )

Paslit dedo, 4 grabe sa sakuna

INFANTA, Quezon – Maagang sinalubong ni kamatayan ang  isang batang babae habang apat na iba  pa ang malub­hang nasugatan makaraang magsal­pukan ang motor­siklo at traysikel sa highway na sakop ng Barangay Abiawin, Infanta, Quezon kamakalawa ng tanghali. Nagtamo ng ma­tinding pinsala sa ulo ang nasawing si Athel Ann Morilla, 4; habang gina­­gamot naman sa Laguna Provincial Hospital sina Aniano Balil, 47;  Analyn Morilla, 35; John Fontillas, 40, kapwa residente ng Barangay Dinahican at ang drayber ng motorsiklo na si Richard Pradillada, 25, ng Barangay Ingas. Ayon kay PO3 Florencio Sarmiento, officer on case, nag-over­take sa isang sasakyan ang motorsiklo ni Pradillada, subalit hindi na na­kaiwas sa kasalubong na traysikel na lulan ang nasa­wing biktima kaya naganap ang insidente. (Tony Sandoval )

vuukle comment

ANALYN MORILLA

ANIANO BALIL

ATHEL ANN MORILLA

BARANGAY ABIAWIN

BARANGAY DINAHICAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with