^

Probinsiya

NPA rebs sali sa barangay poll

-

CAMP GENERAL NA­KAR, Lucena City — Natuk­lasan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines, Southern Luzon Command na may mga rebel­deng New People’s Army na lalahok sa barangay elections sa Oktubre 2007.

Ito ang kinumpirma ng mga residente ng Bondoc, Peninsula kay  Col. Amado Bustillos, commanding officer ng 74th Infantry Bat­talion na nakabase sa Cat­anauan, Quezon na plantsado na ang balak ng makakali­wang grupo sa barangay poll.

Lumilitaw sa mga plano ng mga NPA, na kung ma­nanalo sa pagka-barangay chairman ang kanilang isa­sabak na miyembro ay ma­dali na nilang makokon­trol ang buong barangay at ma­giging madali na rin para sa kanila ang pangungulekta sa revolutionary tax sa mga residente.

Binanggit ni Col. Bustillos na may mga nakahandang bagong estratehiya ang NPA rebs sa kasalukuyan upang hindi sila masukol ng mga sundalo, itinatago ng mga ito ang kanilang mga baril at saka lamang nila inilalabas kapag may isasagawa silang operasyon.

Ginagawa nila ito upang hindi sila makilalang NPA at maging maluwag sa araw-araw na buhay sa bundok at maging sa kabayanan.

Naniniwala naman ang pamunuan ng AFP na dahil sa pakikipagtulungan ng mga residente sa 3rd district ng Quezon na pinaniniwa­laang pinagpupugaran ng NPA rebs ay malabo na ang mga itong makapagsagawa ng plano ngayong nalalapit na baran­gay election. (Tony Sandoval)

vuukle comment

AMADO BUSTILLOS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

INFANTRY BAT

LUCENA CITY

NEW PEOPLE

QUEZON

SHY

SOUTHERN LUZON COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with