^

Probinsiya

Mag-lola inaresto sa illegal logging

-

LIMAY, Bataan —  Dahil sa masidhing hangarin ng pro­binsya na  masugpo ang illegal logging, mahigit  dalawampung sakong uling ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Limay Municipal  Police Station, Bantay Gubat at Department of Environment and Natural Resources sa isang maglola na lulan ng isang tricycle sa Barangay Lamao sa bayang ito  kama­kalawa. Kasalukuyang nakakulong sa piitang-bayan ng Limay sina Lourdes Montemayor y  Ramos, 59, biyuda; at apo niyang si Angelo Osario, 20, may-asawa kapwa nakatira sa  naturang barangay. Jonie Capalaran

Murder suspects tiklo

LUCENA CITY — Pinaniniwalaang malulutas na ang kaso ng pamamaslang sa isang miyembro ng Quezon Police makaraang maaresto ang isang magkapatid sa kanilang bahay sa Purok Ilang-ilang, Barangay Silangang Mayao ng lungsod na ito kamakalawa ng umaga. Ang mga suspek na kasa­lu­kuyang nakapiit sa lock-up jail ay kinilala ni P/Supt. Marcos Badilla, chief of police dito,  na sina Edwin Dote, 37 at ang naka­­babata nitong kapatid na si Agripino, 36.  Patuloy na itinatanggi ng magkapatid na sila ang responsable sa pananambang kay PO2 Arcadio Jimenez, 41, noong umaga ng Hulyo 18, 2007 sa Purok Kamnay, Barangay Kanlurang Mayao. Ayon kay SPO4 Joe Foster, itinuro ng mga saksi ang magkapatid na siyang bumaril kay Jimenez at makaraan ay tumangay sa baril at motorsiklo nito.  Tony Sandoval

ANGELO OSARIO

ARCADIO JIMENEZ

BANTAY GUBAT

BARANGAY KANLURANG MAYAO

BARANGAY LAMAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with