^

Probinsiya

PICC lulusubin ng raliyista

-

SAN FERNANDO CITY, Pampanga – Anumang oras ay nakaumang ang karit ni kamatayan laban sa bagong halal na gober­nador ng Pampanga na si Fr. Eddie “Among Ed” Pan­lilio makaraang itatag ng mga desperadong sup­porter ng mga talunang kan­didato ang assassina­tion plot para likidahin ang nasabing opisyal.

Ito ang kinumpirma ng mga supporter ni Among Ed sa kumalat na text mes­sages tungkol sa ikinasang assassination plot code­named Oplan Gomburza, kaya pinayuhan ang go­vernor-elect na magsuot ng bullet-proof vest.

Pinayuhan din ni P/Senior Supt. Keith Singian, provin­cial police director, si Panlilio na magsuot din ng bullet-proof vest, habang bineberi­pika ang napaulat na tang­kang asasinasyon mula sa mga desperadong supporter ng mga talunang kandidato.

“If anything happens to him (Panlilio), the suspect will be obvious,” pahayag pa ni Singian na hindi naman dinetalye ang im­por­masyon.

Sa kasalukuyan ay binigyan ng limang pulis bilang karagdagang seguri­dad sa buhay ni Among Ed, bukod pa sa ilang pinag­kakatiwalaang supporter.

Napag-alaman din na nagpapalipat-lipat ng lugar si Among Ed dahil na rin sa payo ng kanyang mga supporter bago pa ma­nungkulan sa unang araw ng Hulyo.

Kasunod nito, handa naman makipagtulungan kay Among Ed, si reelected Vice Gov. Joseller “Yeng” Guiao, running mate ng natalong Kampi guberna­torial bet Lilia Pineda.

Pinayuhan din ni Guiao, ang bagong gobernador na makipagpulong sa mga lider-politika ng iba’t ibang bayan ng Pampanga at bumuo ng transition team, partikular na ang pagta­tatag ng provincial develop­ment council para sa mga programa at proyekto.

vuukle comment

AMONG ED

GUIAO

KEITH SINGIAN

LILIA PINEDA

PAMPANGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with