LUCENA CITY — Pormal nang iprinoklama kamakalawa ni Quezon Provincial Comelec Election Supervisor Atty. Allan Enriquez si Rep. Raffy Nantes, bilang nanalong governor ng Quezon. Lumamang si Nantes ng 14, 824 boto sa kalabang si Vice Governor David Suarez na nakakuha ng 307, 754 boto sa 39 bayan at dalawang lungsod.
Kabilang din sa naiproklama si Kelly Portes bilang vice governor na may botong 318, 294 boto, maging ang mga nanalong kongresista ng Liberal Party na sina re-electionist Rep. Procy Alcala ng 2nd district at Rep. Erin Tanada ng fourth district.
Naiproklama rin kamakalawa si Jose Antonio “Bong” Carreon, bilang gobernador ng Marinduque kung saan lumamang ito ng aabot sa 6,000 boto sa kanyang katunggaling si Percival Morales. (Tony Sandoval)