^

Probinsiya

Proklamasyon  sa QC, mapapaaga

-

CAMP CRAME – Napa­aga ang salubong ni kama­tayan sa limang sibilyan habang labinsiyam naman ang sugatan makaraang magsalpukan ang dala­wang pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway na sakop ng Sitio Bora­cay sa Barangay Gu­lang-Gulang, Lucena City, Que­zon kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga nama­tay ay sina Marie Claire Sadangsal, 27; Irma San­dangsal, 56; Herminigilda Yongco, 40; Virginia Riva­deniera, 49; at si Angeline Opiz na pawang naninira­han sa Quezon City.

Naisugod naman sa pa­gamutan ang mga sugatan.  Sa ulat na nakarating kaha­pon sa Camp Crame, naitala ang sakuna dakong alas-11:15 ng gabi kung saan nag­banggaan ang JAC Liner Bus (CVB-508) ni Jaime Magtoto at ang JAM Liner Bus (TYG-422) ni Reynante Carabido.

Nabatid na patungong Dalahican Port sa Lucena City ang JAM bus nang sakupin nito ang kabilang linya ng kalsada hang­gang sa makasalubong ang Jac Liner Bus na nag­resulta sa pagkamatay ng lima-katao.

Samantala, tugis naman ng pulisya ang drayber ng JAM Liner Bus na si Cara­bido para panagutin. (Edwin Balasa at Tony Sandoval)

ANGELINE OPIZ

BARANGAY GU

CAMP CRAME

DALAHICAN PORT

EDWIN BALASA

LINER BUS

LUCENA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with