Holdap: 3-katao patay
May 7, 2007 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan  Tatlo-katao kabilang ang isang barangay chairman ang iniulat na nasawi makaraang holdapin ng tatlong ’di-kilalang lalaki ang isang tindahan sa loob ng palengkeng sakop ng Barangay Sapang Palay sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Gregorio Lim, hepe ng pulisya ng SJDM City, ang mga biktimang na patay na sina Reynaldo Herrera, 46, Kabesa ng Barangay Sapang Palay Proper; Feliza Paguyo, 25; at si Ferdinand Espiritu, 34, kapwa trabahador ng variety store sa Sampol Market sa Sapang Palay.
Nasugatan naman sina Jonathan Lumabe, Analyn Ma ngahas, 38, may-ari ng tindahan at si Jared Allosada, 9.
Napag-alamang hinoldap ng tatlong ’di-kilalang armadong kalalakihan ang tindahan ni Mangahas bandang alas-5:45 ng umaga kamakalawa.
Habang nililimas ng mga suspek ang perang kinita ng tindahan ay nagsisigaw ang isang trabahador para humingi ng tulong, subalit nataranta ang mga holdaper kaya nagsimulang mamaril.
Unang binaril at napatay si Paguyo sa ulo, isinunod naman si Lumabe na tinamaan sa leeg, samantalang si Espiritu ay sa leeg din, habang si Mangahas ay sa kaliwang hita.
Habang patakas ang mga suspek, namataan nila si Barangay Chairman Reynaldo Herrera na kumakain ng barbecue habang patawid ng kalsada patungo sa kanyang patrol vehicle.
Dahil dito, nilapitan ng isa sa tatlo si Herrera saka sunud-sunod na binaril kung saan nagpaputok pa ng baril habang tumatakas kaya’t tinamaan ng ligaw na bala si Allosada sa kanang binti.
Umabot naman sa P160,000 ang natangay kasama ang P30,000 na kuwintas ni Mangahas. (Dino Balabo at Boy Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended