^

Probinsiya

Politika sa Nayon

-
Kandidato dinedo sa kasalan
NUEVA ECIJA — Pinaniniwalaang pulitika ang pangunahing motibo kaya binaril at napatay ang isang kandidato sa pagka-konsehal sa isa na naman karahasan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Licab, Nueva Ecija noong Linggo ng umaga. Si Ariel dela Merced, 44, ng Barangay San Cristobal na kandidato sa ilalim ng Liberal Party ay binoga sa reception ng kasalan sa nabanggit na barangay. Ang pamamaril ay naganap ilang araw pa lamang ang nakalipas makaraang ipag-utos ni Police Director General Oscar Calderon, ang deployment ng 350 augmentation troops na tutulong sa seguridad ng eleksyon sa nasabing lalawigan. (Christian Ryan Sta. Ana)
Vote-buying sa Gapo humahataw
OLONGAPO CITY — Humahataw na ang operasyon ng vote-buying sa ilang kandidato sa Olongapo City upang masigurong mananalo sa nalalapit na May 14 elections. Sa impormasyong nakalap mula sa reliable intelligence sources, dalawang pulitiko na kapwa may posisyon sa nabanggit na lungsod ang namumudmod ng P200 hanggang P500 sa mga residente na kanilang ipinapatawag upang makapangalap ng boto. Pinayuhan naman ng isang kumakandidato sa pagka-alkalde sa lungsod na ito ang mga mamamayan na maging mahinahon sa kanilang pagtanggap ng pera dahil isang malinaw na pandaraya para manalo sa halalan sa halip ay iboto kung sino ang nasa puso nila. (Jeff Tombado)
Governatorial bet suportado ng SK
LUCENA CITY — Hayagang sinusuportahan ng nakararaming miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Quezon ang kandidatura ni Rep. Raffy Nantes na kumakandidato sa pagka gobernador ng nasabing lalawigan. Pinuri rin ng mga kabataan ang paraan ng pangangampanya ni Nantes na idinadaan sa pagpapaliwanag ng mga plataporma ang paninira sa kanya ng kalaban sa pulitika. Sa planong pagtatayo ng mga industrial estate sa probinsya sakaling mahalal si Nantes ay prayoridad nitong bigyan ng hanapbuhay ang mga kabataan sa Quezon upang hindi na sila pumunta at maghanap-buhay sa mga processing zone sa Cavite, Laguna, at Batangas. Sa paraang ito, naniniwala ang Quezon youth sector na maiiwasan ang human smuggling na ang palagiang nabibiktima ay ang mga kabataan. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SAN CRISTOBAL

CHRISTIAN RYAN STA

JEFF TOMBADO

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with