^

Probinsiya

6 todas sa bakbakan ng 2 pulitiko

- Edwin Balasa -
CAMP CRAME — Umaabot na sa anim-katao ang naiulat na napatay habang libu-libong residente ang napilitang lumikas sa patuloy na bakbakan ng dalawang armadong grupo na pawang mga tauhan ng magkalabang pulitiko sa bayan ng Tongkil, Sulu.

Kabilang sa mga napaslang ay isang paramilitary trooper at limang tagasuporta ng mga pulitiko na sa kasalukuyan ay inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagsimula ang kaguluhan dakong alas-2 ng madaling-araw noong Lunes na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Lumilitaw na unang nilusob ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga tauhan nina Tongkil mayoralty bet nakilala lamang sa pangalang Sahibul at runningmate nito na si Omar ang Barangay Sagumbal sa naturang bayan.

Sinunog ng mga armadong kalalakihan ang ilang simbahan ng protestante sa nasabing lugar bago nagtungo sa kabayanan at nagsimulang magpaulan ng bala ng malalakas na kalibre ng baril.

Kaugnay nito, umapela naman si Tongkil Mayor Wahid Sahidulla sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tulungan ang mga residenteng mailikas sa lugar sa lalong madaling panahon.

Napag-alaman na ang mga armadong kalalakihan na pinamumunuan ng nagngangalang Saharan at Bantil ay nagkukuta sa Barangay Sigumba, Dahul Sagih at Mamad island sa Tongkil, Sulu.

Sa kasalukuyan, patuloy ang bakbakan sa pagitan ng mga armado at mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at military na rumesponde sa naturang insidente.

BARANGAY SAGUMBAL

BARANGAY SIGUMBA

CAMP CRAME

DAHUL SAGIH

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TONGKIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with