Bahay ng kandidato niratrat ng pulis
April 12, 2007 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  Posibleng masibak sa tungkulin ang isang alagad ng batas makaraang pagbabarilin ang bahay ng isang mayoralty bet sa Barangay Poblacion Aroroy, Masbate kamakalawa ng madaling-araw. Nagkabutas-butas ang dinding ng bahay ng kandidatong si Diony Sulpito Lopez sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino (PMP).
Tugis naman ng kanyang mga kabarong pulis ang suspek na si PO1 Peter "Pan" Maristela ng 507th Police Provincial Mobile Group sa nabanggit na lalawigan. Ayon sa ulat, si Maristela ay tumatayong alalay ng kalabang kandidato ni Lopez sa pagka-alkalde sa nalalapit na May 14 elections. Lingid sa suspek ay namataan siya ng dalawang katiwala ng bahay ni Lopez na sina Randy Bello at Eutiquio Gureta kaya agad na ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest