^

Probinsiya

2-habambuhay sa Tsinong drug trafficker

-
MALOLOS CITY, Bulacan — Dalawang habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng mababang korte laban sa isang 30-anyos na Tsino na miyembro ng sindikato ng droga makaraang mapatunayang nagpapakalat ng shabu sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong Mayo 2002.

Sa 2-pahinang desisyon ni Judge Jaime Samonte ng Malolos City Regional Trial Court Branch 21, hinatulan ang akusadong si Sheng Wi Xian, tubong Ho Quien, China at kilala rin sa mga alyas na Kevin, Shi Chun Huan na inaresto ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation may limang taon na ang nakakaraan.

Bukod sa hatol na dalawang habambuhay ay pinagmumulta pa ang akusado ng P1 milyon bilang danyos perwisyo bilang illegal drug trafficker

Base sa rekord ng korte, si Sheng na residente ng Las Piñas City ay napatunayang nagkasala dahil sa pagbebenta, pag-iingat at pagbibiyahe ng ipinagbabawal na droga noong Mayo 19, 2002.

Napag-alamang kinontak ng poseur-buyer si Sheng at nagkasundo na magbayaran sa tabi ng fastfood sa kahabaan ng Quentin Paredes Street sa Maynila, subalit nakaramdam ang akusado na may nagmamasid sa kanila.

Dahil dito, lumipat sila sa sangay ng isa ring fastfood chain sa Las Piñas City, subalit hindi pa rin natuloy ang transaksyon dahil naghinala ang suspek hanggang sa isagawa ang transaksyon sa tapat ng Equitable Bank sa Barangay Malhacan, Meycauayan, Bulacan kung saan nakumpiskahan ng apat na kilong shabu ang suspek habang sakay ng Toyota Altis na walang plaka. (Dino Balabo at Boy Cruz)

BARANGAY MALHACAN

BOY CRUZ

BULACAN

DINO BALABO

EQUITABLE BANK

HO QUIEN

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with